happy monday morning everyone! how was your weekend? mine was all cool, less the aircon... in 2600 - the city of pines... my hometown... Baguio City! ed and i left 4103 at around 11pm [shyete, di na ako naka concentrate sa panonood ng dyesebel, kim sam soon, and survivor philippines! babawi nalang ako mamaya. kasi naman nag empake pa ako at naligo (of course!)] for victory liner pasay. ah before we went to the terminal nga pala, i asked manong driver to take us to ayala avenue, to get the much wanted krispy kreme doughnuts for my fave SIL Gladz who's giving birth soon. yey!!! i called krispy kreme customer service in the afternoon pa lang of friday, and they assured me that the stores are open until 1:00am. so excited din naman ako, kasi matagal na din akong hindi nakakatikim. shunga! pagdaan namin ng ayala... nakasara! so ayan, pinilit ko pa rin - we went to The Fort. Napagtanungan na namin lahat ng manong guard, wala silang sinabi sa akin kundi "...punta po kayo dun, diretso lang..." o "...mam lakarin niyo lang po ng konti nasa left side po" o "...ay ma'am dun po yun, kung lalakarin niyo malapit lang." mga anak kayo ng teteng... dalawang blocks na yung nilakad ko hindi ko pa rin nakita! buti pa yung taxi sinusundan lang ako. bwehe. biruin niyo... from market market to one serendra, to bonifacio hi. sana sinabi niyo nalang B2 lang pala eh di tagal ko na nakita. haaaay... ang mga manong guard talaga. so ayan, finally nakita ko na din. buy ako ng two dozens na assorted... yummy... tsalap. sulit na rin sa halagang 700+. eh nabilhan ko na din ng doughnut si manong driver para matuwa naman. sabi ni manong driver delicado daw na binigyan ko siya ng doughnut, at baka hanap-hanapin niya na din. hehe. when we arrived at victory liner pasay... my goolay... nakapost sa ticket booth - BAGUIO: 3AM NA PO ANG NXT TRIP. waaah! eh 12:30am pa lang. tumbling. eh tinanong ko si guardagurl (astig na manang guard) kung pag sa cubao ba ako nagpunta eh makakasakay kami kaagad, sabi niya mas marami daw pasahero dun. o d cge, getz ako ng two tickets to baguio. gosh, ang mahal na! ang dating PHP390 ay PHP460 na. how many months ago lang ba bago naging PHP390 ulit?! rollback rollback rollback rollback rollback rollback... lolz... anyway, tumambay muna kami ni edongs sa passenger waiting area. imbyerna lang ako sa mga observation ko:
1. mga bag ang nakaupo sa upuan! anak ng pwet. bawat upuan diyan ay may isa pang space na pwedeng pagpatungan. Isang pwet isang upuan lang po! kung kulang ang space, problema mo na dapat yun. wag ka mambiktima ng mga gustong maupo.
2. may mga taong naka-apak ang paa sa upuan. may nakasapatos, merong hindi. naman! mukha bang doormat ang upuan? maawa-awa naman kayo sa mga taong uupo diyan. eh pano kung may naapakan kayong anik anik diyan?
3. syempre kung may bag na nakaupo, meron ding taong nakahiga. hmmm... with matching hilik pa.
4. ayan at may nagpipictorial pa. ok lang sana mag kodakan diyan sa terminal kaso, wag niyo namang siku-sikuhin ang mga tao sa paligid niyo.
5. pinagbabawal ng victory liner management ang mga taxi sa loob, pero... kapag mga "kabagang" nila yung mga driver, eh pinapapasok ang mga ito.
6. may isang pamilya sa likod ko, may kasamang baby... anak ng patola, mas maingay pa yung nanay sa anak! sabi nang sabi ng "anak wag kang magulo..." "anak wag kang malikot" "anak upo ka lang" pero pag tinignan mo yung bata, behaved naman?! o baka may imaginary baby pa ang mommy?
7. may mga taong kumakain ng nissin cup noodles. again - i have nothing against this... pero... wag ka naman humigop nang parang hihigupin mo kaming lahat. at pagkatapos mo kumain, sana man lang tinapon mo sa basurahan ang pinagkainan mo.
8. bakit parang lahat ng bus ay kalahati lang ang sakay? almost half are either chance passengers, or passengers who opt to go early? i think this is a modus operandi: they make buses half-full only then proceed to issue tickets for the next trip so that the passengers who got later time slots will be enticed to pay the surcharge of 10% instead of waiting for their reserved times. imagine, kung dalawa kayo, PHP92 na kaagad yun.
all these things i've seen, from 12:30am to 2:30am. naglalaro na nga ako ng psp eh di ko maiwasan na hindi sila mapansin! [kainis, tagal tagal ko nang nilalaro ang "miss guided" level sa collapse, di ko pa rin matapos!] so pagpatak ng 2:30am eh nagpasakay na ang mga manong driver and manong condi (kunduktor) ng mga pasahero. eh ano pa nga ba, kundi may mga kakrungkrungan na naman.
1. nauna ako sa pila, sa door ng bus. then may tatlong mama na bigla nalang sumingit sa harap ko! grrrr... mauubusan ba kayo ng bus? mauubusan ba kayo ng upuan?!
2. may nagtitext habang napasok ng bus. huy! mamaya na yan! marami ka pang kasunod iha.
3. may mga nag-aargue pa kung san uupo, so again, naipon na naman ang mga passengers sa likod nila
4. eto pinaka-hate ko: kapag yung passenger sa harap mo eh nagrerecline ng seat na para bang naka business class siya sa eroplano! grrr... i would have wanted to go and sit in front of her and do the same. let's see what she's gonna do. narerecline nga po ang mga seat, but please be considerate enough naman with the people seated behind you.
5. may mga bata sa likod namin ni edongs, na tuwang-tuwa pagsisipain ang mga upuan. pwede na sana yun anoh, kaso sinabunutan pa ako. hindi baby ito... mga 10 years old na yun bata. ngyaks... syempre napa aray ako!!!
6. paalis na yung bus, saka pa naisipan magweewee. eh di hinintay pa tuloy!
7. yung mga giniginaw sa aircon, dina-divert yung exhaust sa iba. tama ba naman yun?
8. alam niyo ba ang maingay na mommy sa sumbong # 6? aba... nasa likod ko, nonstop ingay pa rin! this time naman kakwentuhan niya ang husband niya. para bang kinukwentuhan niya yung buong bus sa lakas ng boses niya!
while i've been whining about all these on the bus... ed and i go zany by quoting bitoy on bubble gang...sumbong sumbong kay bonggang bonggang bongbong. dito na kayo magsumbong... derecho pa ang aksyon!
No comments:
Post a Comment