My mom's arriving from the US at 10 am tomorrow. I learned from dear Lola this afternoon, that Badong, together with our bunsoy Beneilski, is going to pick her up from the airport. Thinking about the close proximity of the airport to our home, I thought of swallowing my pride just to invite Badong to our humble abode. I had some plans in mind, both evil and good... well...
1) I had the feeling that, at last minute, he'll decide not to take Neil with him to Manila. Kasi nga naman, today is his last day of independence from his 'legal' wife. Gone are the free days with Cheribitch - the Spare Wife. [[By the way, I just bought the book, and I'm looking forward to read it. I just have to finish my latest Grisham first]] (I was told that he's home once a week, for at least one hour lang, to leave his dirty bitch-smelling clothes, and get new ones enough for one week. Anu ba yan, dami kong paningit! Bwahaha.) So... guess what, I was right! Soooo damn right! I called Lola again just two hours after we first spoke, and was told the Buboy our bunsoy was to be left at home nalang. Kasi daw... may exam siya on Wednesday... and... mamaya nalang, masisira kwento ko eh. Hihi.
2) I want to ruin his last free hours with Cheribitch. D ba nga hindi niya na isasama si bunso, so feeling ko, kasama niya si Cheribitch papuntang Manila. They'll check in to some hotel. Badong picks up mommy, then pagdating ng Baguio, sasabihin ni Badong na may seminar siya sa Edmark, tapos babalik siya ng Manila, tapos lalakwatsa sila ni Cheribitch sa Mall of Asia, tapos magsshopping sila. MAg-uubos ng hard-earned money ni Marky... tapos good time na naman... tapos churva churva na. Haay buhay! Ang talent talaga ni Cherry ay kakaiba. !!@#$%^*&()
3) I want him to see our hard-earned "wealth" - our simple home, to prove to him that I failed him on his negative expectations on me. (Na hindi daw ako aasenso sa buhay ko kasi suwail akong anak).
4) Since nakapost sa fridge namin yung pictures ng other "family" niya, gusto ko makita niya! As in!!! Hindi ako magbabanggit ng kahit ano, pero gusto ko makita niya na bahagi ng fridge ko, ng kusina ko, yung pagmumukha ng babae niya at mga anak-anakan niya. Gusto ko makita niya, at malaman niya, na sa araw-araw na ginawa ni Lord ay tinititigan ko ang pagmumukha ng mga homewreckers na yan. Ehem.
5) Ginusto ko lang siyang tawagan late at night, 10pm ha, para guluhin sila (nyahaha), or gisingin siya (nyahaha), or pagselosin ulit si Cheribitch (nyahaha)! {Nagseselos kasi si Cheribitch kapag kinakausap namin si Badong nang magkasama sila.) Kapal di ba! Leche talaga! Surely din, kapag sinagot ni Badong yung phone that late, meaning magkasama sila. FYI - si Badong kasi, "early-to-bed-early-to-rise" person yan. For how many years na kasama ko si Badong, tulog na yan ng 8pm the latest tapos gigising ng 3am-6am the latest. Ngayon nung nakilala niya si Cheribitch... naging owl na din siya. Syempre! With a girl like Cheribitch... will the guy ever sleep early?!
6) Eh... baka nga namimiss ko lang si Badong... kahit papano. *Shyet* Can't believe I am saying this! Last ko kasi siyang nakausap talaga nung "Skypee" episode pa! And take note... kausap ko pa siya as Joseph (aka Badong, Joe) so hindi talaga siya yung tatay ko that time. Wehehe.
So eto na nga... ano hula mo? Kinausap ko ba o hindi?
Syempre naman oo!!! I called Badong!!! Ring ring... Ring ring... Ring ring... Ring ring... leche hindi sinagot! Nagpustahan pa kaming mag asawa: pusta niya hindi daw sasagutin kasi naglalabing-labing, pusta ko sasagutin kasi takot sa akin yun! *Shyet* Talo! Tententententen tententententen... ayan... ring tone ng phone ko yan ah! Tumawaaaag siya!!! Tumawaaaag si Badong!
"Hello Daddy!!!"
"O anak, Good Evening. Kumusta?! Hindi ko masagot tawag mo kasi may kausap ako kanina."
"Ah ganun po ba. Tanong ko lang kung anong oras kayo luluwas?"
"Ahhh... Ahhhh... mga madaling araw anak. Kasi 8am may imi-meet ako sa Domestic Airport. Si... Misis Ah... Misis... yung kaibigan ni Uncle Dong mo, may kukunin akong mga products ng Edmark..." [Eto na, be prepared...] "...Hindi ko na isasama si Neil kasi MAY SEMINAR AKO NG 8AM SA AIRPORT TSAKA MAY EXAM DAW SIYA." [For reference, go back to Item # 1... tama ako... tama ako!!!]
"Domestic Airport? Daddy... sarado na yung domestic airport! Sa Terminal 3 na lahat ngayon! Ano pa ang pupuntahan mo sa Domestic Airport?"
"Hindi anak... Ahhh... Ahhh.. Dun kami sa Jollibee... tama... sa Jollibee malapit ng Domestic Airport. Cebu Pacific kasi siya eh."
"Eh yun nga po ibig kong sabihin, lahat po ng domestic flights tsaka intl ng Cebu Pacific, sa Terminal 3 na po. Ano pupuntahan mo dun eh closed na yun."
"Hindi anak... Ahhh... Kasi galing ng Sta. Rosa, Las Pinas... ay Binan Laguna pala yung si Misis... basta yung kaibigan ni Uncle mo."
Sa isip ko... *Shyet* Sakay ng Cebu Pacific yung galing ng Las Pinas? Este Laguna? Ano ba talaga Badong? Tsaka... Misis Ahhhh ba ang pangalan? So hindi na ako naki-argue pa. I rested my case. lol. Pero ayan... krung krung talaga. Kulang nalang mag google ako, kung kailangan mo bang mag eroplano from Laguna to the Domestic Airport.
"Ah OK po, cge. Pero taka pa rin ako bakit hindi nalang sa Terminal 3?"
"Eh anak, hindi ko kasi alam papuntang Terminal 3 kaya sa Domestic nalang." *Shyet* Talagang pinanindigan niyang mag-eeroplano nga si Misis Ahhhh...
"O cge Daddy.." Kumindat ako kay Ed. "...Magkita tayo ng 8am sa airport bukas?"
"Ahh... Cge anak... Pero hindi ko sigurado kung anong oras ako dadating ha..." (Eh akala ko ba 8am?!) "Basta itext nalang kita pag nasa airport na ako."
"O cge po, hintayin ko text mo. 8am bukas"
"Cge anak. Kumusta naman si Ed?"
"Okay lang po, mabait pa rin!" (Bakit ko kaya nasabi ito?)
"O cge anak ikumusta mo nalang ako sa kanya."
"Cge po goodnight, ingat sa byahe"
"Cge anak babye..."
Having read the dialogue... whatchathink? Naguluhan ka ba? Yan... yan si Badong... Ganyan makipag-usap sa mga taong maraming nililihim. Ganyan kausap ang mga gumagawa ng kakrungkrungan. Nyaha.
O... don't forget ha... May flights na ngayon from Laguna to the Domestic Airport, via Cebu Pacific. For more inquiries, contact Badong!
No comments:
Post a Comment