Thursday, September 18, 2008

A Memory for every SCent...

I am sure you know what I am talking about when I say that there is a memory in every song... the instance where you feel a "spark" upon hearing a song. Rachel Alejandro's "Paalam Na..." reminds me of a high school experience where a 'former' actually sang the song literally in front of the class, and openly told everyone that the song is dedicated to me. To make things worse, the 'Trigo' teacher excused me from my current class to witness the heart-pounding event. Well of course it was a 'kilig' moment a few years back, and it remains a 'funny' yet 'touching' encounter for me.

In the same manner as these songs stimulate my emotions, scents are nostalgic too.
1. Angel’s Breath – my very first “pabango” which I got when I was in Kindergarten. Of course, the set includes the powder and the cologne which I called “perfume.” [Who would have cared what I call it, except my classmates who acted like they were ‘dalagitas’ na?!] This scent also reminds me of Euclid, a former colleague at TeleTech. Hambangooo! J
2. Anais Anais and Tatiana – childhood memories of Mama Taw, and my stay in Zaragoza, Nueva Ecija. Mama Taw first introduced these scents to me, and I loved them. I wore these two alternately everyday kahit na magpapakain lang ako ng mga baboy (si Ringo Star lang ang naaalala ko, iniyakan ko kasi nung binebenta na siya), itik and pabo.
3. Tommy– given to me on my 10th birthday by Uncle Jun. It came with a white sling bag which I liked very much, in fact, the bag is still with me until now. :) I took it to an overnight camping of Girl Scouts in Baguio. I hated one of my 5th grade classmates who accidentally stepped on my bag. Nung Grade 6 naman, gustung-gusto ko ibigay sa classmate kong girl na may BO. Sayang kasi matalino at maganda siya kaya lang choleng nga ang smelliness. Hehe.
4. Red Door by Elizabeth Arden – yes, very strong indeed. I used to wear it every time as in every single time that I wore my matching faded maong pants and Guess maong jacket. Any shirt inside would do, but my favourite was my fuschia shirt with flowers and “Colorado” printed on it. Again – these items I still have with me until now.
5. Poison by Christian Dior – addicted ako noon sa bottle niya, ang ganda kasi ng pagka green, parang may crystal powers ba. Ma-late na ako sa lakad ko wag lang hindi maglagay ng Poison.
6. Bench colognes – well... yung latest lang ni Kris Aquino ang remember ko. Ginagamit ko pampabango ng bahay-bahayan ko dati sa Laguna. Pang-alis din ng amoy “araw” sa unan. In fairness, madalas din ako nagamit nito dati... kami ni Marky utol.
7. Alyssa Ashley Musk – when I first smelled this, I literally went around the house, looking for the scent. Eh yun pala, the lotion has a very looong lasting effect. When you say Alyssa Ashley – I’d say Tita Tingting. J
8. Pleasures by Estée Lauder – all good, as in! Wore this in later years of high school, then college, then my unforgettable debut, and until now. No specific event in mind, (except for times na sinasabihan ako ng mga tao na “ang bango” ko daw... nyaha... feeling! :P) kasi all good talaga.
9. Bvlgari Blv – the first gift I got from Ed, on the first Christmas as a couple. (hindi pa married ha, boypren-boyprenan pa lang. Hihi.) Shunga, sa office pa ako nagpasko nun ha! December 2003. Mega-cry ako sa CR nung 12am na kasi homesick na lovesick pa...
10. Bvlgari White and Bvlgari Green Tea– Singapura! First purchase ko ng perfume sa Duty Free. USD 75 yung dalawa. Eto rin ang gamit ko ng three weeks, nung first time ko sa Singapore. Buti nalang ito ginamit ko kasi “ambabango” nung mga kaklase ko. Wanna know what I mean? Check this out à http://flickr.com/photos/rhodamarie/354592683/in/set-72157594474630625/
11. M by Mariah – alala ko si mamita... gusto niya din kasi yan. So nung kiss niya ako and hug niya ako when we went to their place... talagang tinapat ang ilong sa leeg ko. Pag-uwi naming, sinabihan ako ni howe na kung pwede daw eh bigyan ko si mamita ng maliliit na samples ng perfume. So... yan binili naming na birthday gift niya. J
12. Bvlgari Omnia Amethyste – Waterfront Hotel sa Cebu. Aspect eWFM User’s Group Forum. Nakasuot ako nung burgundy na blouse, black skirt. Here I first met Cehra D, and Julie Ann H. Halos maligo rin ako sa pabango na ito nung manggaling kami ng “Tabuan” (bilihan ng mga dried fish, chicharon, etc).
13. Bvlgari Omnia (yung red) – laging sinasabi ni SIL na ang bango daw, type niya. [Sensya na, di ko ma-afford na magregalo nito. Bwehehe]
14. Kenzo Flower – my first trip to India! I HAD to as in DI PWEDENG HINDI gamitin ang powers nito! Mommy used this too on my wedding. (Ewan pano niya kaya nakuha ito sa drawer ko eh tagung-tago naman. Sabi niya meron din daw siya pero hinanap ko talaga sa cabinet niya wala naman siya nito?)
15. Chance by Chanel – Geez. My most luxurious loot ever, from Changi. Nung papunta na ako ng Cashier para magbayad, pinukpok ko sa ulo ko yung pabango. Haha. Then the saleslady asked me if I was Ok, sabi ko... “Oh yes!... (mapupurdoy ako nito)
16. Bvlgari Extreme ni Ed – Gosh! Kaka-inlove. Gwapong gwapo tingin ko sa asawa ko kapag gamit niya ito. Nung nasa mall kami sa escalator, sabi nung girl... “Hmmm... ang bango naman nun. Sino kaya yun? Kapag ganyan kabango manliligaw ko, sasagutin ko kaagad.” Syempre hinila ko kaagad si Ed away from the girlalou when we reached the next floor. Hehe.

Let me end this with a song, and a “scent” – makes me miss the BellSouth Days with Tin and Mommy Dods. [Sinasayaw pa nga yata namin ito? :)]
Ang bangu-bango... ang bangu-bango... ang bangu-bango ng bulaklak... PAg inaamoy... pag inaamoy... pag inaamoy ay kaysarap... ang bangu-bango... ang sarap sarap... amuyin ang bulaklak... hihihi...

No comments:

Post a Comment